Ini-sponsor ng XM ang Eksklusibong Handaan ng mga Investor sa London

Ipinaskil Disyembre 3, 2018 ng 11:30 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Nobyembre 24, nagkaroon ang XM ng pagkakataon na i-sponsor ang isa pang eksklusibong handaan na dedikado sa komunidad ng mga nag-iinvest, ang Handaan ng mga Investor sa London, England.

Ang prestihiyosong gabi ay hindi malilimutang kaganapan para sa mga dumalo sa napakagandang 8 Northumberland Avenue sa Sentro ng London, kung saan lahat ng mga bisita ay nakaranas ng magarang hapunan at mga nakakaaliw na pagganap.

Ang pinakamahusay na parte ng handaan ay ang debate ng mga kilalang tagapagsalita sa pangpinansyal na mundo, na nagpamahagi ng mahuhusay na pananaw tungkol sa estado ng pandaigdigang pag-invest. Ang debate ay isinagawa ng mga tanyag na propesyonal sa pananalapi na sina Peter McGuire, Lex van Dam, Clement Thibault, Trevor Neil at Avramis Despotis tungkol sa mga interesanteng paksa gaya ng ESMA, Brexit, at pag-trade ng cryptocurrency.

Maliban sa pag-sponsor ng XM, ang tagumpay ng kaganapan ay maiuugnay sa mga investor at indibidwal na may kaparehong saloobin tungkol sa mundo ng pag-invest online, at mga pumunta sa Handaan ng mga Investor para magkaroon ng kapana-panabik na gabi at makipag-ugnayan sa iba pang mga taga-industriya.

Sa kabila ng XM, nais naming magpasalamat sa mga namuno sa pangpinansyal na debate, na nakatulong nang husto sa pagdagdag ng propesyonal na halaga sa kaganapan, pati na ang mga bisita na pumunta.