XM Lumahok sa Crypto Expo Asia 2023 sa Singapore

Ipinaskil Hulyo 12, 2023 ng 10:55 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagkaroon kami kamakailan ng pagkakataong ipakita ang aming husay at dedikasyon sa Crypto Expo Asia 2023 na idinaos sa Marina Bay Sands, Singapore. Nagsilbi ito bilang magandang lugar para makasalamuha ang mga bisita sa eksklusibong Networking Lounge, kung saan nagtipon-tipon ang mga kasalukuyan at bagong partner ng XM para alamin ang mga mapagkakakitaang programa at pag-usapan ang kapana-panabik na pakikipagsosyo.

Isa ring karangalan ang paggawad sa amin ng prestihiyosong “Pinakamaaasahang Trading Platform”, na pagpapatunay sa pangako namin na makapagbigay ng pinakamagandang kondisyon sa pag-trade. Ang pagkilalang ito ay nagpapatibay sa posisyon ng XM bilang mapagkakatiwalaang lider sa industriya ng pananalapi at pinapatotohanan nito ang kagustuhan naming magbigay ng makabagong solusyon sa mga trader sa Asya at sa buong mundo.

Gusto naming pasalamatan ang lahat ng bisitang pumunta. Dahil sa tagumpay nitong event, sabik na kaming ihanda ang mga paparating na oportunidad para bumuo pa ng mga bago at matibay na partnership!

Iniimbitahan namin ang lahat na sumali sa aming Partner Program na nag-aalok ng komisyon na hanggang $65 sa crypto. Wag palagpasin ang pagkakataong palakihin ang iyong kita katuwang ng maaasahan at makabagong broker! Para sa iba pang impormasyon at para sumali sa aming Partner Program, mag-click dito.