XM Ibinahagi sa mga Bata ang Regalo ng Musika

Ipinaskil Pebrero 14, 2023 ng 9:33 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa kauna-unahang donasyon ngayong 2023, ipinagpatuloy namin ang pagsuporta sa Sistema Cyprus, isang panlipunang orkestra at koro para sa mga batang mahihirap. Sinorpresa namin ang mga musikero ng mga mapapakinabangang gamit para tulungan sila sa kanilang pagtuklas sa musika.

Noong nagtipon ang mga bata at guro para pagsaluhan ang cake sa Bagong Taon na tinatawag na Vasilopita, ibinahagi sa kanila ng XM ang mga bagong music stand at literatura! Nakatanggap din ang bawat bata ng reusable na bote ng tubig, isang makahulugang regalo na humihikayat sa pangangalaga sa kalikasan.

May mga libreng klase, instrumento, at materyales ang Sistema Cyprus para makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga kapus-palad na bata. Gayunpaman, para sa mga batikang propesyonal, hindi lang ito tungkol sa musika. Ang mga leksyong ito ay nakakatulong sa pag-iisip at pakikisalamuha, at nagbibigay-daan para maramdaman ng mga estudyante ang pagiging bahagi ng lipunan. Sa ganitong paraan, mas madali nilang maaabot ang buo nilang potensyal sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t-ibang mga event.

Makikita kahit saan ang talento sa musika pero hindi ang oportunidad. Sa XM, naniniwala kami na ang bawat bata ay may karapatang magkaroon ng edukasyon. Dahil dito, sinuportahan namin mula pa noong 2020 ang Sistema Cyprus, para masigurado na mas marami pang batang mahirap ang makadiskubre at makapagpalaganap ng kanilang talento.

Gusto mo bang makapagbigay ng patas na oportunidad para sa lahat? Malalaman mo ang tungkol sa proyekto ng Sistema sa kanilang website o makakatulong ka sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon dito.