Nagsagawa ang XM ng mga Seminar sa Johor Bahru at Miri

Ipinaskil Mayo 2, 2018 ng 7:33 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang mga seminar ng XM na nagsimula sa Malaysia nitong mga nakaraang buwan ay nakarating sa dalawa pang mga siyudad, sa Johor Bahru at Miri, kung saan sinalubong namin ang maraming bilang ng mga online investors na nais pang matuto mula sa mga pinakamagagaling.

Ang seminar na pinamagatang Mga Istratehiya sa Online Trading ay pinamunuan ng propesyonal na instruktor na si Zulle Razak sa Johor Bahru noong April 14 at sa siyudad ng Miri noong April 29.

Ang mga online investors na pumunta ay nakatanggap ng iba’t-ibang mga praktikal na impormasyon tungkol sa forex trading mula kay Zulle Razak, na siyang nakatulong para magkaroon sila ng mas malinaw na pagkakaintindi sa kung paano tumatakbo ang mga financial market, kung anong mga macroeconomic na aspeto ang nakakaapekto dito, at higit sa lahat kung anong mga teknik sa pag-trade ang maaaring gamitin para analisahin ang paggalaw sa market at gumawa ng desisyon sa pag-trade ayon dito.

Nagbigay si Zulle Razak ng espesyal na tuon sa kung paano maaaring pagsamahin ang technical at fundamental analysis techniques para sa mas mahusay na resulta kapag nag-aanalisa ng market trend strength at price action, kasabay ng mga payo sa kung paano gumawa ng istratehiya sa pag-trade base sa indibidwal na layunin sa pag-invest, (day o swing) trading styles, at higit sa lahat ang pagsunod sa indibidwal na plano sa risk management.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na dumalo sa libreng seminar sa Johor Bahru at Miri, at nais naming ipaalam sa lahat ng mga hindi nakapunta na ang susunod (at huling) destinasyon ng seminar ay gaganapin sa Melaka sa May 12, kung saan maaari pa silang mag-reserba ng puwesto.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa seminar na gaganapin sa Melaka at para mag-rehistro na, mag-click dito.