Mga Seminar ng XM Gaganapin sa Phitsanulok at Hat Yai

Ipinaskil Mayo 17, 2018 ng 10:47 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang pangalawang serye ng mga intensibong seminar ay nagsimula na sa Thailand ngayong taon at gaganapin sa dalawa pang destinasyon: sa mga siyudad ng Phitsanulok at Hat Yai.

Gaganapin sa Phitsanulok sa July 7 at sa Hat Yai sa July 21, ang seminar na pinamagatang Ang Avramis Trend Reversals at Breakouts ay ipi-presenta ng kilalang instruktor na si Sompop Jittrakul, na magtuturo sa mga dadalo ng ilan sa mga pinakamahahalagang detalye sa technical analysis.

Ang seminar ay idinisenyo para sa parehong online investors na nais pang palalimin ang kanilang kasalukuyang kaalaman sa pag-trade, at mga baguhang investors na nais matuto bago sumabak sa online investing.

Aalalayan ng seminar ang mga dadalo tungkol sa ilan sa mga pinakamahahalagang aspeto sa technical analysis, at bibigyang tuon ang paggamit ng dalawang mahalagang indicators na makakatulong sa mga traders na tukuyin ang trend strength at maglapat ng risk management: ang Avramis Swing Indicator at ang Avramis Risk Management Indicator.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya at si Sompop Jittrakul na salubungin ang mga online investors sa aming libreng seminar sa alinman sa dalawang lokasyon.

Magbasa pa at mag-reserba na ng puwesto para sa seminar sa lugar at petsa na iyong napili dito.