Mga Seminar ng XM Magpapatuloy sa Pilipinas

Ipinaskil Mayo 22, 2019 ng 8:13 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Magpapatuloy ang mga seminar ng XM sa Pilipinas, kung saan bibisita ito sa dalawa pang lungsod ngayong tag-init: sa Manila sa Hulyo 13 at Cagayan de Oro sa Hulyo 27.

Tulad ng dati, gusto naming personal na makilala ang mga kliyente at bigyan sila ng mahusay na edukasyon para matulungan sila sa pagpapabuti ng kanilang kaalaman sa pag-trade, na siyang makakapagbigay ng mas mainam na resulta. Ang nalalapit na seminar sa Manila at Cagayan de Oro ay talagang idinisenyo para sa mga nagti-trade ng forex na gustong palawigin ang kanilang kaalaman sa technical analysis at matuto kung paano madaling pagsamahin ang iba’t-ibang pamamaraan kapag nag-i-invest sa forex o iba pang pinansyal na instrument.

Sa bawat lokasyon ng seminar, magkakaroon ng presentasyon ang propesyonal na tagapagturo ng forex sa XM na si Jonathan Lou Reyes. Dito, magbibigay siya ng mga praktikal na halimbawa tungkol sa pag-trade gamit ang Moving Average Ribbon indicator. Ipapaliwanag din niya sa mga bisita kung paano mapapakinabangan ang technical analysis tool na ito para matukoy ang lakas ng trend sa market, malaman kung saan may support-resistance, pati na ang mga signal sa potensyal na pagbabago ng trend sa market.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro na sa XM seminar sa lungsod at petsa na napili mo, mangyaring mag-click dito.