Nalalapit na XM Seminar tungkol sa Technical Analysis sa Taipei

Ipinaskil Hunyo 1, 2016 ng 7:44 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang libreng on-site na pagtuturo ng forex ng XM, na nagsimula ilang taon na ang nakakaraan at nakapunta na sa malaking panig ng mundo, ay napili ang siyudad ng Taiwan bilang ang pinakabagong lugar na pagdadausan ng libreng forex seminar sa ika-30 ng July 2016.

Pamumunuan ng sertipikadong Tradepedia instruktor na si Marios Pashardes, ang nalalapit na seminar ay magbibigay ng libreng rehistrasyon para sa mga kliyente ng XM at iho-host ito ng XM sa The Westin Taipei hotel sa Taipei.

Para sa lahat ng nais ipagpabuti ang kanilang kaalaman sa pag-trade at matuto kung paano isagawa ang technical analysis sa kanilang kasanayan para malaman ang direksyon ng mga presyo at makita ang pinaka-mainam na entry at exit points, maraming magandang maidudulot ang XM seminar. Mula sa pinakasimpleng ideya sa global markets hanggang sa mga mas kumplikadong teknik, lahat ng detalye ay ipapakita sa mga dadalo gamit ang mga tunay na halimbawa, para matulungan ang mga trader na makita ang pinakamahahalagang kaalaman sa matagumpay na pag-trade.

Magkakaroon ng pang-umaga at panghapong sesyon, ang intensibong seminar ay susunod sa isang sistematikong curriculum na naglalayong turuan ang mga dadalo kung paano madaling gamitin ang pinakamahuhusay na istratehiya at kung paano mas kumita sa pang-matagalan. Ang mga highlight ng event na Avramis Swing Indicator at ang istratehiyang tinatawag na Avramis Trend Reversal, sa tulong ng mga trader ay makikita ang mga trend, planuhin ang kanilang entry points at i-manage ang risk nang may stop at profit orders.

Higit sa lahat, lahat ng mga dadalo sa seminar ay magkakaroon ng pagkakataong sumali sa Lucky Draw, na magbibigay ng premyong nagkakahalaga ng 1,500 USD sa mga maswerteng mananalo, na siyang ira-raffle sa lugar ng event.

Ang mga miyembro ng XM na nasa event, kasama ng instruktor na si Marios Pashardes, ay nais nang salubungin ang mga kliyente sa Taipei sa ika-30 ng July. Para sa karagdagang detalye at sa maagang rehistrasyon, mag-click dito.