Libreng XM Seminar Naghihintay Para sa mga Kliyente sa Thailand

Ipinaskil Disyembre 22, 2016 ng 12:10 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa February 2017 babalik ang XM sa Thailand na may bagong paksa ng seminar na idinisenyo para sa mga baguhan at may karanasang mga trader na nais matuto ng mas kumplikadong mga detalye ng price action trading.

Ang paksa ng seminar na Directional Movement at Candlestick Reversal Patterns ay ipe-presenta sa dalawang magkaibang lokasyon, sa Chiang Mai sa ika-4 ng February at sa Bangkok sa ika-19 ng February, at iniimbitahan nito lahat ng mga kliyente ng XM mula sa mga naturang rehiyon para dumalo sa event at makilala ang mga tanyag na presenter na sina Mario Pashardes at Sompop Jittrakul nang personal.

Idinisenyo para magbahagi ng praktikal na kaalaman tungkol sa ilan sa mga pinakamahalagang detalye tungkol sa paggamit ng mga indicators, kabilang na ang Average Directional Indicator, ang mga seminar presenter na sina Mario Pashardes at Sompop Jittrakul ang magtuturo sa mga dadalo ng mga pinaka-simple hanggang sa mas kumplikadong korelasyon ng trending, momentum, kabilang na ang mga teknik para tukuyin ang mga market turning points nang mas tama.

Ang mga dadalo sa event ay magkakaroon din ng pagkakataong maging pamilyar sa ilan sa mga Tradepedia proprietary automated tools, na ginawa para makita ang pinaka-mainam na entry at exit points. Ang isang-araw na seminar ay maraming maidudulot sa mga kakasimula palang sa online investing, kabilang na ang mga nais palawakin ang kanilang kaalaman sa pag-trade at matuto pa ng bagong kaalaman.

Para basahin ang mga detalye ng bawat seminar at para mag-rehistro na ng upuan sa alinmang lokasyon mag-click dito.