Magho-host ang XM ng Seminar tungkol sa Technical Analysis sa Bangkok

Ipinaskil Mayo 10, 2016 ng 6:57 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ika-26 ng June ngayong taon babalik ang XM sa Bangkok, Thailand, para mag-host ng engrandeng seminar sa paksa ng Dynamic Support at Resistance Pivots, na libre ang pagdalo sa lahat ng mga kliyente ng XM.

Ang event ay gaganapin sa Intercontinental Bangkok Hotel, na papamunuan ng sertipikadong Tradepedia instruktor na si Marios Pashardes. Ang paksa ay nakaka-engganyo para sa mga gustong magkaroon ng pamilyarisasyon sa mga pinaka-epektibong istratehiya sa technical analysis at magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa korelasyon sa pagitan ng support at resistance levels, price levels, at tamang paggamit ng mga chart.

Ang nalalapit na seminar ay idinisenyo para tulungan ang mga trader na intindihin ang mga pinaka-simpleng konsepto sa technical analysis at matutunan ang mga koneksyon sa pagitan ng mga teknik na ginawa para intindihin ang paggalaw ng mga currency, makita ang mga price patterns at analisahin ang mga data nang tama sa kanilang pang-araw araw na pag-trade. Dahil sa rasong ito, ang mga dadalo sa seminar ay ipakikilala sa serye ng mga mahahalagang konsepto tulad ng trend line techniques o ng Gann indicators.

Ang lahat ng mga materyales na ipe-presenta ni Marios Pashardes ay may isang natatanging pakay: para mas padaliin ang pagsagawa ng technical analysis ng mga dadalo. Kaya naman aasa siya sa mga halimbawa sa totoong buhay para maipakita nang husto ang mga detalye sa mga dadalo.

Nais naming imbitahin lahat ng mga kliyente ng XM, baguhan man o may karanasan na, sa nalalapit na seminar, makilala na naman sila sa personal at higit sa lahat, bigyan sila ng makahulugang seminar sa Bangkok.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa event at para mag-rehistro na ng upuan, mangyaring mag-click dito.