Bibisita muli ang XM sa Kuala Lumpur para sa Forex at CFD Trading Seminar

Ipinaskil Agosto 2, 2018 ng 7:45 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga kliyente, pati na sa mga online investors na nais matuto mula sa mga edukasyonal na programa ng XM na isinasagawa sa magkakaibang parte ng Malaysia, na magkakaroon ulit kami ng forex at CFD trading seminar sa Kuala Lumpur sa September 22, 2018.

Ang seminar na pinamagatang Ang Avramis Swing Trading Techniques ay tutuon sa mga pinakamahahalagang detalye at praktikal na paggamit ng isa sa mga pinakamadalas gamitin na pamamaraan sa pag-trade: ang swing trading.

Gaganapin sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur Hotel, ang aming seminar ay bukas para sa parehong baguhan at batikang traders na nais matuto ng mga pamamaraan sa swing trading mula sa kilalang propesyonal na tagapagsalita na si Avramis Despotis.

Sa intensibong seminar na ito, magbibigay si Avramis Despotis ng isang makabuluhang presentasyon tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng technical analysis tools, kabilang na ang Avramis Swing Indicator at Avramis Trend Reversal Indicator, na parehong idinisenyo para matulungan ang traders na madaling tukuyin ang trends, malaman ang pinakamahusay na entry at exit points, at pamahalaan ang risk nang mas mainam.

Nasasabik na kaming personal na salubungin lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM sa nalalapit na seminar na gaganapin sa September 22. Para sa karagdagang detalye at para makapag-reserba na ng puwesto ngayon, mangyaring mag-click dito.