Babalik ang XM sa Italya para sa ITForum Milan 2019

Ipinaskil Oktubre 23, 2019 ng 7:01 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ika-anim na pagkakataon, babalik ang XM sa ITForum sa Italya, ngayon naman sa kapital ng Lombardy, sa Milan, ngayong Nobyembre 27.

Nagsisilbi bilang forum sa pag-i-invest at pagti-trade, ang taunang ITForum Milan ay may layuning tipunin ang daan-daang nag-i-invest online at mga exhibitor, para makapagbigay ng iisang lugar para sa mga kumpanyang aktibo sa industriya ng pananalapi at pagbabangko, pati na ng mga indibidwal na interesado sa kanilang mga serbisyo.

Sa Nobyembre 27, ang ITForum Milan na gaganapin sa Palazzo Delle Stelline ay magbubukas sa publiko, para makasalamuha nila ang iba’t-ibang pinansyal na kumpanya mula sa Italya at iba pang panig ng mundo. Kaya naman, isa na naman itong prestihiyosong kaganapan na nasasabik puntahan ng XM.

Dahil mahalaga ang bawat pinansyal na expo na pinupuntahan ng XM para sa pakikipag-ugnayan sa mga kliyente, at pagpapakilala sa mga potensyal na kliyente at interesadong partido ng malawak na hanay ng serbisyo at kundisyon sa pag-trade na nakatuon sa mga kliyente, ipapakita namin ang aming mga serbisyo sa expo booth blg. 1. Dito, sasalubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya lahat ng mga gusto kaming makasalamuha at higit pang makilala ang XM.

Pumunta at kilalanin kami sa Milan ngayong Nobyembre dahil gusto naming talakayin at ipakilala sa’yo ang aming mga serbisyo. Para sa karagdagang detalye tungkol sa ITForum, mangyaring mag-click dito.