XM Tumulong sa mga Nasalanta ng Baha sa Pakistan

Ipinaskil Oktubre 21, 2022 ng 8:53 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagsanib-pwersa ang XM sa JDC Foundation nitong Setyembre para tulungan ang milyon-milyong nabiktima ng pagbaha na itinuturing na pinakamalala sa kasaysayan ng Pakistan.

Nagdulot ng matinding sakuna ang malalakas na ulan, kung saan nabaha ang mga nayon at 33 milyon ang naapektuhan sa buong bansa. Tinatayang mahigit 800,000 tahanan ang nawasak, at 1,200,000 kabahayan ang nasira. Milyong-milyong Pakistani ang napilitng lumikas sa baha at napwersang matulog sa labas hanggang sa makahanap ng pansamantalang matutuluyan sa mga “tent city” na tinatayo para patuluyin sila.

Sentro ng aming corporate social responsibility ang pagtulong sa mga komunidad lalo na sa oras ng kagipitan. Sa tulong ng JDC Foundation, nag-abot kami ng suporta sa mga Pakistani na naapektuhan ng pagbaha at nagbigay ng 100 waterproof na tent. Ang bawat tent ay kayang magpatuloy ng hanggang 5 tao, kaya ang inisyatiba namin ay makakapagbigay ng matutuluyan para sa mahigit-kumulang 500 tao. Dito muna sila titira kasama ng iba pang organisasyon na magbibigay ng kanilang mga pangangailangan, habang naghihintay ang mga biktima na humupa ang baha sa kanilang mga tahanan, na maaaring tumagal ng ilang buwan.

Humigit-kumulang isang dekada ang nakakaraan, nagsimula ang JDC Foundation bilang maliit na kampo sa isang mataong lugar na matinding naapektuhan ng pagbaha. Mula noon, marami pa itong naitayong kampo bilang tugon sa mga sakuna na naranasan ng bansa, at nakapagpatayo na din ito ng mga medikal na pasilidad.

Nakatuon ang JDC Foundation sa pagbibigay ng ayuda sa mga naghihikahos na komunidad na nahaharap sa mga sakuna, pagkamatay, at kawalan ng hustisya, at buong-buo itong nagpapatakbo sa tulong ng mga donasyon. Para malaman ang kanilang mga makataong programa at magbigay ng donasyon sa JDC Foundation, mag-click dito.