XM Nagpakain sa mga Beterano sa Indonesia

Ipinaskil Nobyembre 1, 2022 ng 12:54 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagsanib-pwersa ang XM sa Rumah Zakat para gunitain ang Araw ng Kalayaan sa Indonesia, sa pamamagitan ng donasyon sa mga matatapang na beterano na lumaban para sa kalayaan ng bansa.

Sa bawat araw ng kanilang serbisyo, tinataya ng mga sundalo ang kanilang buhay para sa Indonesia at mga mamamayan nito. Sa pagdepensa nila sa kanilang bansa, may ibang dumanas ng ‘di mapapantayang pagkawala, sa anyo man ito ng pagkamatay ng kapwa-sundalo, makapaminsalang kapansanan, PTSD, o pagsubok sa muling pagbabalik sa lipunan.

Para tulungan ang mga nahihirapang beterano na magkaroon ng matatag at komportableng buhay, nakipagtulungan kami sa Rumah Zakat para suportahan sila sa Cijantung, sa Silangang Jakarta.

Tinanong ang mga beteranong ito kung ano ang partikular nilang pangangailangan upang masiguro na makakapagdulot ng pagbabago ang matatanggap nilang ayuda. Sa tulong ng Rumah Zakat, nag-organisa at nagpahatid kami ng 80 kahon ng pagkain, na naglalaman ng lahat ng hiniling ng mga beterano, kabilang ang mga pangunahing pagkain tulad ng harina, bigas, gatas, tsaa, at kape.

Ang pagsuporta sa mga beterano sa Indonesia ay bahagi ng mas malawak naming programa sa corporate social responsibility na naglalayong makatulong sa lipunan at magpakalat ng kabutihan sa iba’t-ibang komunidad sa buong mundo. Nagbigay din kami ng donasyon sa mga beterano sa Indonesia noong nakarang taon sa pamamagitan ng Yayasan Sahabat Veteran.

Ang Rumah Zakat ay isang non-profit na organisasyon na namamahala sa Zakat, donasyon, limos, at iba pang panlipunang pondo sa pamamagitan ng mga programa na nagtataguyod sa lipunan. Nag-aalok ito ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at pinansyal at pangkalikasang suporta para sa mga nangangailangan. Sa 24 na taong serbisyo sa komunidad, natulungan na ng Rumah Zakat ang 42 milyong tao, at kabilang dito ang pagtatayo ng suporta sa humigit-kumulang 1,700 nayon sa buong Indonesia.

Kung gusto mo pang magbasa tungkol sa pagtulong ng Rumah Zakat sa mga komunidad sa Indonesia, at magpakita ng suporta sa kanilang mga inisyatiba, pumunta sa kanilang website.