Ayuda ng XM sa mga Nalindol sa Indonesia

Ipinaskil Enero 27, 2023 ng 8:17 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Nobyembre 2022, katuwang ng XM ang lokal na organisasyon na Benih Baik sa pagbibigay ng pagkain sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama sa West Java, Indonesia.

Noong Nobyembre 21, tinamaan ng 5.6 magnitude na lindol ang rehiyon ng Cianjur, na nasa kanlurang baybayin ng Java Island. Ang mababaw na sentro ng lindol ang dahilan kung bakit naging nakapaminsala ito at nagresulta sa libo-libong residente na namatay o nasaktan. Daan-daang bahay, paaralan, at pampublikong pasilidad ang nasira o nawasak.

Ang mga nakaligtas sa lindol ay nangailangan ng agarang tulong-medikal. Marami ang nawalan ng tahanan at pagtatrabahuhan, o kaya’y hindi na makapagtrabaho dahil sa mga natamong sugat. Para maibsan ang kanilang pasanin at makapagbigay ng kalinga at suporta, nag-donate kami sa mga biktima ng bigas, asukal, mantika, noodles, at iba pang pagkain.

Nag-iiwan ng matinding trauma sa mga nasalanta ang malalaking sakuna tulad nito. Dahil mahalaga sa kanilang pagbangon ang nakukuhang suporta sa panahon ng krisis, isa ito sa mga prayoridad ng aming Corporate Social Responsibility. Maraming Salamat sa Benih Baik sa pagtulong sa amin na abutin ang layuning ito.

Mababasa mo ang tungkol sa Benih Baik o makakapag-donate ka sa kanilang website.