Pumunta ang XM sa Invest 2018 sa Stuttgart

Ipinaskil Abril 18, 2018 ng 10:40 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong April 13-14, pumunta ang XM sa isa sa mga pinakamahahalagang pangpinansyal na expo sa Germany: ang Invest Trade Fair, isang pagpupulong para sa pangpinansyal na industriya at investment, na isinagawa sa Messe Stuttgart.

Ang Invest ngayong taon ay inorganisa na naman para sa layuning pagsama-samahin ang mga pinakamalalaking bangko at pangpinansyal na institusyon, na siyang pumunta bilang opisyal na exhibitors, at mga indibidwal na retail investors na bumisita sa dalawang araw na event para matuto pa tungkol sa industriya ng online investing.

Pumunta ang XM sa Invest na may layuning makipag-ugnayan sa mga kliyente at para personal na makilala lahat ng mga interesado sa kumpanya. Sa pamamagitan ng mga serbisyo nito sa mga taga Germany, kabilang na ang mga serbisyo na idinisenyo para tugunan ang mga pangangailangan ng mga kliyente dito, ang mga kinatawan ng XM ay nagkaroon ng maraming oportunidad na makipagpalitan ng ideya sa lahat ng mga bumisita sa opisyal na booth ng XM.

Nais namin muling pasalamatan lahat ng mga pumunta sa Invest para makilala kami sa personal.