Pumunta ang XM sa Salon de l’Analyse Technique Expo sa Paris

Ipinaskil Abril 17, 2019 ng 12:07 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Abril 5, pumunta ang XM sa Salon de l’Analyse Technique (SalonAT) Expo sa Pananalapi at Pamumuhunan sa Paris, France, na isang kaganapan na maraming naidulot sa mundo ng pag-i-invest online.

Kabilang sa isa sa pinakamalalaking pinansyal na expo sa Europa, ang SalonAT ngayong taon ay sumalubong na naman sa kahanga-hangang 10,000 bisita at magkakaibang kumpanya na kilala sa industriya ng pananalapi at pagbabangko na pumunta dito para ipakita ang kanilang mga serbisyo sa mga potensyal na kliyente.

Kahit na ito ang unang pagkakataon ng XM na pumunta sa SalonAT sa kabila ng matatag na presensya sa mga taga-Europa, ang expo ay isang mahusay na oportunidad na makilala ang mga lokal na nag-i-invest at magabayan sila sa napakaraming pagpipiliang mga serbisyo at produkto na inaalok ng aming kumpanya sa mga nagti-trade ng forex at CFD online.

Natutuwa ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makilala sa personal ang mga bisita sa opisyal na booth ng XM, kung saan nakapaglaan sila ng oras upang pag-usapan ang kanilang layunin sa pag-invest at napakilala sa kanila ang mga pinakabagong produktong inilunsad para mas matugunan ang pangangailangan ng mga nag-i-invest na taga-France.

Lubos naming pinasasalamatan lahat ng mga nakilala namin dahil sa kanilang interes sa XM, at sa pamamagitan ng mga litrato sa ibaba gusto naming ipakita ang ilan sa mga nangyari ng SalonAT na ipinagmamalaki naming maging bahagi.