Sumali ang XM sa ITForum 2017 sa Milan

Ipinaskil Nobyembre 27, 2017 ng 10:11 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-23 ng November, ang pinakahihintay na pangpinansyal na eksibisyon na ITForum 2017 ay isinagawa sa Milan, Italy, kung saan isa ang XM sa mga pangunahing exhibitors.

Bawat taon, binubuksan ng ITForum ang pinto nito para sa mga pinakamalalaking lider sa pinansyal na industriya, pati na sa maraming bilang ng mga bisita na nais maging maalam sa mga pinakabagong serbisyo sa online investment at mga pinakabagong solusyon na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Tulad ng dati, ikinagagalak naming makabalik sa Italy, makilala ang mga kasalukuyan at bagong kliyente sa personal; at higit sa lahat, mapakita ang serbisyo ng aming kumpanya sa mga indibidwal na online investors sa XM. Sinalubong ng kinatawan ng aming kumpanya na dumalo sa Palazzo delle Stelline ang mga online traders na nagpakita ng interes na makilala pa ang XM at ilan sa aming mga pinakabagong produkto.

Ikinagagalak naming maging isa sa mga inaabangang tagapagbigay ng pangpinansyal na serbisyo, na siyang maiuugnay sa iba’t-ibang serbisyo na aming ibinibigay na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga online investors sa Italy.

Nagsagawa ng XM Lucky Draw sa event, kung saan ini-raffle namin ang pangalan ng mga nanalo na nais namin muling batiin.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: pribadong leksiyon kasama ni Lorenzo Sentino tungkol sa pag-trade ng cryptocurrency 19077539
Premyo 2: pribadong leksiyon kasama ni Lorenzo Sentino tungkol sa pag-trade ng cryptocurrency 17147071
Premyo 3: iPhone 8 64 GB 4111185

Pinasasalamatan namin lahat ng mga dumalo sa opisyal na XM exhibit booth na nagpakita ng kanilang interes sa XM. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa event.