Lumahok ang XM sa ITForum Rimini 2017

Ipinaskil Mayo 22, 2017 ng 11:22 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming magkaroon ng oportunidad na bumalik na naman sa Italy at maging parte ng importanteng event noong May 18-19, ang ITForum 2017 sa Rimini, Italy.

Ang ITForum 2017, na ino-organisa taun-taon at dedikado sa pagpapasimuno ng interaksyon at networking sa pagitan ng mga financial at banking services providers at indibidwal na investors, ay nagbigay-daan para sa matagumpay na event at programa na maraming naidulot na paksa tungkol sa online trading at asset management.

Bilang isa sa mga pangunahing exhibitors ng ITForum, nakuha ng XM ang atensyon ng napakaraming mga retail investors na bumisita sa aming opisyal na exhibiting booth. Ikinatutuwa naming makilala ang napakaraming online traders na interesadong matuto tungkol sa aming mga serbisyo at para ipakilala sa kanila ang XM nang personal.

Nais naming pasalamatan lahat ng bumisita sa amin sa ITForum at nais naming bumalik sa ITForum Milan, sa November 22-23 ngayong taon.