Sumali ang XM sa Trade Fair na FPG MoneyExpo 2019 sa Prague

Ipinaskil Abril 19, 2019 ng 9:17 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong tagsibol pumunta ang XM sa magkakaibang pinansyal na expo sa buong Europa, kung saan ang pinakabago sa mga ito ay ang FPG MoneyExpo, na isinagawa sa Prague, Czech Republic, noong Abril 12.

Inorganisa sa ika-siyam na taon nito, ang taunang FPG MoneyExpo ay nagbukas para sa mga exhibitor at bisita sa Na Strži 1702 Conference Center sa kabisera ng Czech Republic. Gaya ng inaasahan, napakaraming mga bangko at pinansyal na institusyon ang nakilahok dito para sa layuning ipakita ang kanilang mga serbisyo sa mga indibidwal na interesado sa pag-i-invest online.

Ito ang unang pagkakataon ng XM na pumunta sa FPG MoneyExpo, at kahanga-hanga ang interes na ipinakita ng napakaraming nag-i-invest online sa mga serbisyo ng aming kumpanya. Isang malaking karangalan ang makilala lahat ng mga interesado sa pagti-trade na nakatuon sa kliyente, at kondisyon sa pag-trade na inaalok ng XM sa mga baguhan at beteranong nag-i-invest online. Kasabay nito ang hanay ng mga pang-edukasyonal na materyales na ibinibigay sa lahat ng mga magsisimula pa lang sa pag-trade ng forex at CFDs.

Pinasasalamatan namin lahat ng mga nakilala namin sa personal dahil sa kanilang interes sa XM, at umaasa kaming makabalik ulit sa Czech Republic sa lalong madaling panahon.