Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong ika-22 at ika-23 ng April ngayong taon nakilahok ang XM sa ika-9 na Saudi Expo tungkol sa Pera bilang Executive Partner, na nangangahulugan na naman ng isang importanteng kaganapan sa kasaysayan ng kumpanya.
Kinikilala bilang isang pambihirang event sa industriya ng finance, ang Saudi Expo tungkol sa Pera ay nanghihikayat sa ilan sa mga nangungunang pang-pinansiyal na institusyon sa buong mundo kada taon, at nagbibigay ito sa kanila ng dalawang araw na event para ipakita ang kanilang mga serbisyo at ipakilala ang kanilang mga pinakabagong produkto. Ang prestihiyosong event, na pinangunahan ng Kamahalang si Prince Dr. Saif Al-Islam bin Saud bin Abdulaziz Al Saud, ay isinagawa sa Crowne Plaza Hotel sa Jeddah, na nakapag-hikayat ng napakaraming bilang ng bisita.
Para sa XM ang ika-9 na Saudi Expo tungkol sa Pera ay hindi lamang nagbigay ng oportunidad para maging isa sa mga major exhibitors. Kasabay ng pagiging Opisyal na Sponsor ng Al-Nassr FC Football Club, ang pagsali sa ika-9 na Saudi Expo tungkol sa Pera bilang Executive Partner ay nagdadagdag ng aming presensiya sa rehiyon ng Saudi. Bilang ganap na pagkilala sa napakahusay na mga serbisyong ibinibigay ng XM sa pangdaig-digang lebel, natanggap din ng aming kumpanya ang prestihiyosong award na Fastest Growing Broker MENA sa expo.
Ang ika-9 na Saudi Expo tungkol sa Pera ay isang napakahusay na oportunidad para sa mga kinatawan ng XM na naroroon para anyayahan ang mga bisita sa XM exhibiting booth at makilala ang mga kasalukuyang kliyente para mapag-usapan ang mga investment at business solutions para sa pang-matagalang kooperasyon.
Nais naming pasalamatan lahat na bumisita at nakilala namin sa loob ng dalawang araw ng event sa Jeddah, at nais namin ulit bumalik sa Saudi Expo tungkol sa Pera sa sasusunod na taon. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa event.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.