XM Nagorganisa ng Handaan para sa Hari Raya

Ipinaskil Hunyo 13, 2023 ng 8:22 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Mayo 2023, nagorganisa kami ng maliit na salo-salo noong Hari Raya para sa mga VIP na XM Partner kasama ng kanilang mga pamilya. Ang eksklusibong handaang ito ay nagsilbi bilang masayang pagdiriwang ng Hari Raya habang ibinabahagi ang pasasalamat sa mga kaibigan na sumuporta sa amin sa loob ng mahabang panahon.

Punong-puno ito ng tuwa, kung saan nagsuot ang mga bisita ng espesyal na damit at sabik silang nakilahok sa mga kasiyahan. Nakatanggap ng mainit na pagsalubong ang bawat isa at nagkaroon ang lahat ng pagkakataong matikman ang iba’t-ibang masasarap na pagkain. Bukod pa dito, nakapag-uwi sila ng mga litrato mula sa photo booth at eksklusibong Hari Raya merch.

Ipinapaabot namin ang lubos na pasasalamat sa bawat isang bisitang pumunta. Ang masasaya nating alaala ay habang buhay na magkakaroon ng espesyal na puwang sa aming mga puso. Magkakaroon kami ng iba pang kapana-panabik na aktibidad at event na magsisilbi bilang patunay sa walang patid na pagpapahalaga sa mga dedikado at masisipag naming partner.

Gusto mo bang makasama sa mga VIP event at makakuha ng iba pang natatanging benepisyo? Maging XM Partner para magka-access sa mga eksklusibong alok, kabilang ang hanggang $650 na CPA sa bawat bagong kwalipikadong kliyente at hanggang $65 na komisyon sa bawat lot na iti-trade ng mga ni-refer mong kliyente!