XM Nagtayo ng Educational Center sa South Africa

Ipinaskil Enero 10, 2023 ng 10:44 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Pinasinayaan ng XM ang kauna-unahan nitong Educational Center sa Johannesburg, South Africa, noong Nobyembre 5, 2022. Itong napakahalagang araw ay inumpisahan ng opisyal na ribbon cutting, na dinaluhan ng malalaking kliyente at partner na nagtipon-tipon para magkasamang gunitain itong napakalaking okasyon.

Matatagpuan sa Sandton ang bago naming Educational Center. Ito ang magiging venue ng mga bagong lingguhang klase na magbibigay sa bawat kliyente ng XM ng oportunidad na matuto nang libre mula sa mga kilalang instruktor at makakuha ng certificate mula sa Tradepedia Academy.

Iniimbitahan namin ang lahat ng kliyente sa South Africa na magrehistro sa mga klase para lumawak ang kanilang kaalaman sa pag-trade at maging sertipikadong trader. Sa pamamagitan ng mga kurso na idinisenyo para sa mga baguhan, intermediate, at batikang trader, makakahanap ang bawat isa ng kurso na nababagay sa kanila. Pwede mong itanong ang lahat ng gusto mo sa mga instruktor at makuha nang buo ang kanilang atensyon. Para mag-schedule at mag-book ng pwesto, mag-click dito.

Pakitandaan na limitado lang ang mga pwedeng dumalo kada klase at inirerekomenda namin na mag-book ka na kaagad ng pwesto.

Ang pagbubukas ng sarili naming Educational Center ay ang susunod na hakbang sa misyon namin na tulungan ang mga gustong matuto na mag-trade. Naniniwala kami na mahalaga ang edukasyon at sinusuportahan namin ang pag-usbong at pag-unlad ng bawat kliyente sa pamamagitan ng mga de-kalidad na kursong pang-edukasyon. Maliban sa mga klase, mayroon ding mga seminar ang XM kasama ng mga pinakamagagaling na mentor sa buong mundo, online na Live na Edukasyon araw-araw, mga edukasyonal na sesyon sa lokal na wika, video tutorial, at marami pang iba.

Nagpapasalamat kami sa lahat ng pumunta sa inagurasyon, at natutuwa kaming makilala kayo at ipagdiwang itong kapana-panabik na araw kasama ninyo.