Matagumpay na Nakumpleto ang mga Training na Bukas para sa Lahat

Ipinaskil Abril 27, 2015 ng 10:28 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-22, 23 at 24 ng April, ang XM Budapest office ay nag-host ng ispesyal na event para sa lahat na handang matuto mula sa mga pinakamagagaling: ang XM Training na Bukas Para sa Lahat na may libreng pang-araw-araw na forex training session.

Mula nang magbukas ang XM ng online at on-site na forex education program sa Hungary, ang bilang ng mga trader sa loob at labas ng bansa ay nais matuto ng pang-unang kaalaman at ito’y lumalago mula noon.

Dahil dito, kinuha ng XM ang pagkakataon para buksan ang kanilang opisina sa Budapest para sa kahit sinong interesadong pumunta sa tatlong pang-araw-araw na training sessions nang libre at malaman na ang pamamaraan ng mga forex instructor na sila Attila Szoboszlai at Zsolt Sándor ay base sa karanasan at maisasagawa sa pang-araw-araw na trading.

Ang lahat na pumunta sa tatlong araw na XM Training na Bukas para sa Lahat, at mga kasalukuyang kliyente ng XM o mga trader na nais matuto tungkol sa aming kumpanya, ay nakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga pinakaimportanteng tools ng technical analysis at pinakitaan ng iba’t-ibang istratehiya sa trading para sa mas magagandang mga resulta.

Nais naming pasalamatan lahat ng nagpunta sa XM Training na Bukas para sa Lahat sa opisina sa Budapest at nais namin silang makilala sa mga sumusunod na event.

Makikita sa ibaba ang mga litratong nakuha noong event series.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20