XM Pinaganda ang Kinabukasan ng mga taga-Lombok

Ipinaskil Abril 26, 2024 ng 11:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagtulungan kamakailan ang XM Indonesia sa Peduli Anak Foundation para magpamahagi ng suporta sa mga nakatira sa Lombok, West Nusa Tenggara. Nitong Marso 19, 2024, nakipagsanib-pwersa kami sa organisasyong ito para suportahan ang mga kapus-palad na bata sa naturang rehiyon, na nagpapatibay sa dedikasyon namin na makagawa ng positibong pagbabago sa mga lokal na komunidad.

Nagsisilbi ang Peduli Anak Foundation bilang sagisag ng pag-asa sa mga naghihikahos na bata sa West Nusa Tenggara, kung saan nagbibigay sila ng kalinga, edukasyon, at suporta. Misyon nilang buwagin ang siklo ng kahirapan at simulan ang daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Sa pamamagitan ng aming magkatuwang na inisyatiba, nakapagbigay ang XM Indonesia ng mga gamit pang-eskwela at pangunahing pangangailangan sa mga mahihirap na bata sa Lombok. Mula sapatos at medyas, hanggang sa mga art supply at twalya, layunin naming bigyan sila ng mga kinakailangang kagamitan para sa pagpapatuloy ng kanilang edukasyon at pag-abot ng mga pangarap, na sa huli ay makakapagpabuti sa kanilang pangmatagalang kapakanan.

Samahan kaming suportahan ang misyon ng Peduli Anak Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang website at alamin din kung paano ka makakapagdulot ng pagbabago sa buhay ng iba. Magbasa pa dito.