Nakiisa ang XM sa mga Namumuhay nang may Autism

Ipinaskil Abril 10, 2023 ng 9:35 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Abril 2, 2023 sumali ang XM sa pandaigdigang kampanya na sumusuporta sa pagpapalaganap ng kamalayan sa autism, sa pamamagitan ng pagpapailaw ng opisina namin sa Limassol. Bukod sa taunang donasyon sa Cyprus Autistic Association, marami sa amin ang nagsuot ng asul bilang pakikiisa.

Ito ang pangalawang sunod na taon na sinuportahan namin ang World Autism Awareness Day. Pinamunuan ito ng organisasyon na Autism Speaks, na naglalayong pagyamanin ang pag-unawa at pagtanggap sa mga taong may autism. Ngayong taon, ang aming pakikilahok ay pinasinayaan ng Unang Ginang na si Andri Anastasiadis. Bukod dito, pinailawan din ng asul ang marami sa mga monumento at gusali sa isla.

Ang taunang “Light It Up Blue” ay naglalayong palawakin ang pag-unawa sa Autism Spectrum Disorder (ASD). Nauugnay ang kulay na ito sa pagtanggap at pagiging kalmado sa kabila ng maingay at magulong mundo na kinabibilangan ng mga taong nasa autism spectrum. Ang salitang autism ay nagmula sa salitang Griyego na autos o “sarili”, kaya ang literal na ibig sabihin ng autism ay “mag-isa”.

Ang ASD ay isa sa mga lumalaganap na karamdaman na nakakaapekto sa 1 sa bawat 68 bata. Ang mga batang lalaki ay 5 beses na mas madalas nakikitaan ng ASD kaysa sa mga batang babae, at karaniwan itong lumalabas bago sila mag-3 taong gulang. Ang pamumuhay nitong mga bata ay lubhang bumubuti kapag maaga itong nasuri at naagapan.

Alamin ang tungkol sa ginagawa ng Cyprus Autistic Association o magbigay ng donasyon dito.