Sumali ang XM sa ActionAid Child Support Program

Ipinaskil Oktubre 17, 2017 ng 8:44 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Kamakailan lamang, nakipag-ugnayan ang XM sa ActionAid para tulungan ang Child Support Program nito na dedikado sa pagpapaganda ng buhay ng mga bata sa buong mundo.

Ang pagmamalasakit at pagsasagawa ng pagbabago sa mga buhay ng mga kapos-palad ay palaging parte ng aming corporate social responsibility. Para sa XM, tulad ng ActionAid, mahalagang makatulong sa pamumuhay ng mga indibidwal at mga komunidad na walang pagkakataon sa mataas na lebel na edukasyon, health care at kalidad ng buhay.

Sa aming pakikipag-tulungan sa ActionAid, magbibigay ang XM ng sponsorship sa 40 na batang nakatira sa Africa at South-East Asia. Sa pamamagitan ng samahang ito, ang aming intension ay para magkaroon ng mas magandang hinaharap ang 15 bata mula sa Sierra Leone, 15 bata mula sa Zambia at 10 bata mula sa Bangladesh, na nararapat magkaroon ng mas magandang buhay.

Ang Child Support Program ng ActionAid, na siyang kumakampanya sa mahigit 40 na bansa, ay sumasalamin sa mga pinapahalagahan ng XM. Bilang patunay ng pagkakaisa, sasali din ang mga kinatawan ng XM sa pangkat ng ActionAid sa Athens Marathon, kung saan nais na naming makilala ang mga nais ding tumulong sa mga nangangailangan.