Itinataguyod ng XM ang Paghuhubog ng Talento

Ipinaskil Hunyo 14, 2023 ng 8:06 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Isang malaking karangalan ang maging Silver Sponsor sa Jalisco Talent Land 2023 na idinaos mula Abril 10 hanggang Abril 14 sa Guadalajara, Mexico.

Dalawa sa aming nangungunang coach na sina Christian Borjon (mula sa Mexico) at Felipe Erazo (mula sa Colombia), ang sumabak sa entablado para talakayin ang paksang “Paano Mag-trade sa Macroeconomic Environment” at “Technical Analysis at mga Diskarte sa Pag-trade”.

Bukod dito, naglaan kami ng lugar sa XM booth para makaupo ang mga bisita at matutunan nila ang mga pangunahing aspeto sa pag-trade. Naka-stream ito sa aming live na talakayan sa wikang Espanyol, kaya sa kauna-unahang pagkakataon napanood ito ng mga taong pumunta sa Talent Land at mga sumusubaybay online.

Ang Talent Land ay isang taunang pagpupulong ng mahigit 25,000 katao at 2,000,000 koneksyon online. Nakatutok ito sa paghuhubog ng talento para makasalamuha ang mga eksperto mula sa iba’t-ibang larangan na nagbabahagi ng mga di mapapantayang karanasan at pananaw.

Mahalaga ang papel ng pagtataguyod ng talento sa negosyo para lumago ang ekonomiya at makagawa ng mga bagong trabaho. May kakaibang kakayahan ang mga negosyante na alamin ang mga negosyong dapat pasukin, gumawa ng solusyon sa mga problema, at gawing totoo ang kanilang mga ideya.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Talent Land, mag-click dito.