Iniimbitahan ng XM ang mga Traders sa Seminar sa Bangkok

Ipinaskil Agosto 11, 2017 ng 8:17 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang mga online investors na hindi nakadalo sa aming nakaraang forex trading seminar sa Thailand ay iniimbitahan na para sumali sa aming nalalapit na pang-edukasyonal na seminar na gaganapin sa Bangkok sa ika-30 ng September.

Iniimbitahan namin lahat ng mga interesado sa online forex trading para samahan kami sa Shangri-La Hotel Bangkok para sa libreng seminar na pinamagatang Lahat ng Tungkol sa Trend Reversals at Breakouts, na magbibigay ng pinagsamang presentasyon ng mga forex instruktor na sina Mario Pashardes at Sompop Jittrakul.

Ang pangunahing detalye ng seminar ay ang paggamit ng technical analysis sa swing trading at mga teknik na magagamit sa indibidwal na istratehiya sa pag-trade, kapag tamang isinagawa. Mula sa mga pangunahing konsepto ng market sentiment hanggang sa trending at ilan sa mga mas kumplikadong aspeto ng price movements at mga aspetong tumutukoy sa trend strength, ang presentasyon ay makakapagbigay sa mga dadalo ng mga trading tools na magsisilbing tagapagtukoy ng bullish at bearish trends, pati na ng mga teknik para malaman ang reversals at breakouts.

Dahil ang layunin ng seminar ay ang maging praktikal, ang mga dadalo ay magkakaroon ng mahalagang kaalaman tungkol sa ilan sa mga automated trading tools na ginawa ng Tradepedia, na nagsisilbing gabay para tukuyin ang trend strength at tulungan ang mga traders na pamahalaan ang risk sa pangmatagalan.

Kung gusto mong maging parte ng propesyonal at pang-edukasyonal na karanasan at para pabutihin ang iyong kaalaman sa pag-trade ng forex, magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa event at i-book na ang iyong puwesto para sa ika-30 ng September.