Sisimulan ng XM ang mga Forex Seminar nito sa Africa ngayong 2020

Ipinaskil Pebrero 28, 2020 ng 9:08 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang tugon sa tumataas na kagustuhan ng mga nagti-trade sa Africa na magkaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa mga kasanayan sa pag-i-invest online, ipagpapatuloy pa ng XM ang malawak at libreng pagtuturo ng forex sa buong kontinente ngayong 2020.

Ang unang bahagi ng mga libreng seminar ng XM ay magsisimula sa Abril 18 sa Tanzania, at nakatakda itong magpatuloy sa magkakaiba pang bansa sa Africa hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Sa mga bansang bibisitahin, layunin naming makapagbigay ng mga makabuluhang presentasyon tungkol sa mga pamamaraan sa pagsunod sa trend, pati na ng mga istratehiya sa pagpapababa ng risk, na makakatulong sa mga nag-i-invest online upang malaman ang kapangyarihan ng technical analysis para sa mas mahusay na resulta kapag nag-i-invest.

Sa seminar na pinamagatang Pag-trade Gamit ang Avramis River at Candlestick Charts, pagsasamahin ang mga praktikal na impormasyon at gabay na madaling maintindihan para sa lahat ng mga gustong malaman kung paano suriin ang lakas at kalidad ng trend sa market, magdesisyon kung saang pinansyal na instrument mag-i-invest at kailan, at magpasya kung kailan papasok o lalabas sa market nang may mababang risk.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa aming seminar, at para magreserba na ng puwesto sa lungsod at bansa na iyong napili, mangyaring mag-click dito.