Magkakaroon ang XM ng Technical Analysis Seminar sa Manila

Ipinaskil Hunyo 28, 2018 ng 7:41 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga kliyente na magsasagawa na naman ang XM ng forex trading seminar sa Manila, sa Pilipinas, itong nalalapit na August 25, 2018.

Matapos pamunuan ang marami sa mga matagumpay na seminar ng XM sa Pilipinas, tatalakayin ng propesyonal na tagapagsalita na si Jonathan Lou Reyes ang paksang pinamagatang Ang Avramis River Indicator at Reversal Candles sa Dusit Thani Manila Hotel. Para sa lahat ng mga dedikadong matuto, pati na ng mga baguhang trader na kailangang malaman ang mga pangunahing konsepto sa online investing, ang nalalapit na seminar ay makakapagbigay ng masinsinang pagpapaliwanag tungkol sa dalawang technical analysis tools: ang Avramis River Indicator at ang Japanese candlesticks.

Bibigyang tuon sa presentasyon ni Jonathan Lou Reyes ang pagtukoy at pagsukat ng trend strength, partikular na para sa ranging markets. Dahil dito, maglalaan siya ng oras sa pagpapaliwanag kung paano tukuyin ang mga malalakas mag-trend na financial instruments, kung paano bigyang-kahulugan ang support-resistance levels, at kung paano malaman ang buy-sell signals.

Katuwang ni Jonathan Lou Reyes, nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na salubungin ang mga kasalukuyan at bagong kliyente na pupunta sa XM seminar sa Manila.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa seminar at para makapag-rehistro na, mangyaring mag-click dito.