Nalalapit sa Athens: Seminar sa Pag-trade ng Forex at Stocks

Ipinaskil Setyembre 27, 2018 ng 10:15 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa October 20, magsasagawa ang XM ng seminar sa Athens, Greece, tungkol sa pag-trade ng forex at stocks, kung saan iniimbitahan namin ang mga online traders na handang matuto ng mga nakakapanabik na detalye mula sa propesyonal na guro na si Charalambos Spyridis.

Ang seminar ay gaganapin sa Hilton Athens Hotel, kung saan nasasabik na ang mga kinatawan ng kumpanya na salubungin ang mga bisita. Para sa online retail investors na nais matuto ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga pinagtatalunang aspeto sa pag-trade ng forex at stocks, ang tagapagsalita na si Charalambos Spyridis ay makakapagbigay ng makabuluhang presentasyon tungkol dito.

Para sa parehong baguhan at batikang traders na nais magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa bentahe ng pag-trade ng foreign currencies at pag-invest sa stocks, ang presentasyon ni Charalambos Spyridis ay maraming maidudulot. Mula sa pangkalahatang pagpapaliwanag ng forex at stock markets sa buong mundo, hanggang sa bentahe ng pagbubukas ng trading account sa XM at pag-invest sa currency pairs man o indibidwal na stocks, ang seminar ay may layuning talakayin ang mga pinaka-importanteng paksa.

Para magbasa pa tungkol sa nalalapit na seminar at para mag-reserba na ng puwesto, mangyaring mag-click dito.