Nag-host ang XM ng Live Seminar sa Morocco

Ipinaskil Hunyo 3, 2014 ng 7:11 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang bahagi ng kasalukuyang MENA tour, ang XM ay nag-host ng live seminar sa Hotel Imperial Casablanca sa Morocco noong ika-31 ng May. Ang even ay naghikayat sa maraming mga trader at partner mula sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon na nais kaming makilala sa personal habang pinapahusay ang kanilang kakayahan sa pag-trade.

Ang seminar ay pinangunahan ng pinakatanyag na trading authority sa MENA na si Avramis Despotis; ang nagtayo at chief instructor ng Tradepedia. Nakaranas na siya ng mahaba at matagumpay na karera sa kanyang propesyon, ginagawa siyang tanyag at respetadong eksperto. Sa pagtagal ng panahon nakapagbigay na siya ng propesyonal na serbisyo sa iba’t-ibang high profile na kumpanya tulad ng Arab Bank, Barclays Bank, Reuters, at marami pang iba.

Ang event in Morocco ay nagtagumpay at ang eksklusibong bonus na inalok sa lahat ng mga dumalo ay tinanggap nang mabuti. Sa buong event, ang XM team ay nagpakilala sa mga kliyente at mga partner nang personal.

Nais naming pasalamatan lahat ng pumunta sa Casablanca para samahan kami sa araw na iyon at makasisiguro kayo na nais pa naming bumalik sa hinaharap.