Eksklusibong Trading Seminar ng XM Isasagawa sa Bangkok

Ipinaskil Hulyo 17, 2018 ng 6:46 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Magsasagawa ang XM ng intensibong trading seminar sa Bangkok, Thailand, sa September 15, kung saan nasasabik na kaming salubungin lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na nais pang pabutihin ang kanilang pag-trade sa tulong ng propesyonal na gabay.

Ang isang-araw na seminar, na gaganapin sa Swissotel Le Concorde Bangkok, ay magtatampok sa dalawang kilalang propesyonal na tagapagsalita sa pag-trade, sina Kriengkrai Jermpatjanya at Feungtot Pativetwanakit, na parehong magbibigay ng detalyadong presentasyon tungkol sa ilan sa mga pinaka-epektibong pamamaraan sa day trading.

Sa unang parte ng seminar, ipapaliwanag ni Kriengkrai Jermpatjanya ang praktikal na paggamit ng breakout strategy, na makakatulong sa online investors para makinabang sa mga malalaking paggalaw sa presyo, kabilang na ang mga paraan sa risk management na kailangang gamitin sa pangmatagalan. Ang pangalawang bahagi ng seminar ay papamunuan ni Feungtot Pativetwanakit, na siyang maglalaan ng oras sa paksa ng epektibong istratehiya sa short-term na pag-trade, kabilang na ang paggamit ng technical analysis.

Samahan kami sa isang-araw na libreng seminar at matuto ng mahalagang impormasyon mula sa dalawang kilalang propesyonal, na makakapagbigay ng bentahe sa iyong kaalaman sa pag-trade gamit ang kanilang malinaw na pagpapaliwanag tungkol sa pag-trade ng iba’t-ibang mga instrument sa MT4 at MT5 platforms ng XM.

Magbasa pa tungkol sa nalalapit na event at i-reserba na ang iyong puwesto ngayon.