Magsasagawa ang XM sa Kuala Lumpur ng Seminar sa Cryptocurrency Trading

Ipinaskil Disyembre 6, 2017 ng 9:38 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Tulad ng mga nakaraang taon, sa darating na 2018, magpapakatotoo pa rin ang XM sa paniniwala nito na mahalaga ang edukasyon. Kaya naman magpapatuloy kaming magsagawa ng serye ng mga libreng seminar sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ang aming unang destinasyon ay ang Kuala Lumpur, Malaysia, sa January 27, 2018.

Ang seminar na pinamagatang Cryptocurrencies – Pag-invest sa mga Digital Currencies ay maraming maibibigay na impormasyon sa mga online investors na nais matuto tungkol sa pinakabagong imbensyon na may mataas na epekto sa pandaigdigang financial markets: ang cryptocurrencies.

Dahil ang pag-trade ng cryptocurrency ay unti-unting kumukuha ng pansin ng mga retail investors, ang aming libreng seminar ay tutuon sa mga pangunahing detalye na kailangang malaman ng mga traders bago sila mag-invest sa mga digital currencies.

Sa tulong ng propesyonal na gabay ng seminar presenter na si Avramis Despotis, ang mga dadalo sa seminar ay matututo tungkol sa mga mahahalagang katangian kung bakit ang digital currencies ang pinakabagong uri ng investment, at kung paano mag-trade ng cryptocurrency sa MT5 platform ng XM.

Ang presentasyon ay tatalakay sa lahat ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa cryptocurrencies na maaaring i-trade sa XM, gaya ng Bitcoin, Ethereum, Ripple, Dash at Litecoin, at bibigyan nito ang mga dadalo ng kaalaman sa kung paano ito bilhin at ibenta kapalit ng iba pang digital currencies o physical currencies. Ipapakita din ni Avramis Despotis kung paano matutulungan ng technical analysis tools ang mga investors na pag-aralan ang global markets para malaman ang trend strength at gumawa ng desisyon base sa pinakamahusay na entry-exit points sa pamamagitan ng pagpapababa ng risk.

Nais na naming salubungin lahat ng mga interesadong matutong mag-trade ng cryptocurrency at makilala ang XM sa Sheraton Imperial Hotel, Kuala Lumpur.

Para sa detalyadong paglalarawan sa nalalapit na event at para sa maagang rehistrasyon, mangyaring mag-click dito.