Ang Engrandeng XM Gala Dinner Pupunta sa Shanghai

Ipinaskil Mayo 24, 2016 ng 9:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Importante ang ika-2 ng July 2016 sa kasaysayan ng aming kumpanya: magho-host ang XM ng Engrandeng Gala Dinner sa Shanghai, China.

Ang masayang social event na ito ay maraming maidudulot para sa mga nais masiyahan sa gabing ito kasama ang XM sa prestihiyosong 5-star Kerry Hotel Shanghai, kung saan isang masarap na hapunan at kapana-panabik na kapaligiran ang magtitiyak sa enerhiya ng mga dadalo.

Para dagdagan pa ang pagiging kapana-panabik ng gabi, isang Grand Prize Draw ang isasagawa, kung saan magbibigay ang XM ng 12 malalaking premyong nagkakahalaga ng 300,000 RMB na pwedeng mapanalunan ng mga dadalo, kabilang ang isang Audi A3 bilang pinakamataas na premyo. Ang mga maswerteng mananalo ay ira-raffle at iaanunsyo sa event mismo.

Naniniwala ang XM sa matagalang relasyon. Dahil dito, ang nalalapit na Engrandeng Gala Dinner sa Shanghai, na mag-imbita sa lahat ng mga kliyente ng XM na nais magkaroon ng hindi malilimutang gabi, ay isa na namang oportunidad para bigyang pabuya ang katapatan sa amin ng mga kliyente. Ang mga miyembro ng top management ng aming kumpanya, kabilang ang mga staff member, ay makikipag-kilala sa aming mga kliyente nang personal para bigyan sila ng isang gabi na puno ng karangyaan at kasiyahan.

Para sa karagdagang impormasyon sa gala event at para sa maagang rehistrasyon mag-click dito.