Nagwagi ang XM sa Online Money Awards 2022

Ipinaskil Setyembre 21, 2022 ng 8:09 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Binoto ng mga trader sa UK ang XM bilang broker na may pinakamagandang forex trading platform. Napili kami sa kategoryang Pinakamagandang Forex Trading Platform 2022 laban sa mga nangungunang broker na sumali sa kauna-unahang Online Money Awards.

Binoto ng mga pribadong investor ang napili nilang kumpanya mula sa listahan ng mga nominado sa 20 kategorya. Sa loob ng 2 linggong botohan, mahigit 7,300 boto ang nalikom para sa mga parangal na ito.

Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng kliyente at partner dahil sa kanilang kontribusyon sa aming pagkapanalo. Sentro ng aming pagsisikap ang pagbibigay sa kanila ng ‘di mapapantayang karanasan sa pag-trade. Ang napakahalaga nilang suporta ang nagtutulak sa amin na patuloy na pagbutihin ang lahat ng aming ginagawa.

Ang Online Money Awards ay inorganisa ng Holiston Media at kanilang partner na The Armchair Trader.

Nagpapasalamat ang XM sa lahat ng bumoto, pati na sa komite ng Online Money Awards. Ang parangal na ito ay nagpapatibay pa sa aming ambisyon na maging makabago at magdagdag ng mga produkto at serbisyo para sa ikatutuwa ng kliyente at patuloy na tagumpay.