Malaking 2019 Seminar ng XM sa Kuala Lumpur

Ipinaskil Disyembre 24, 2018 ng 10:06 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa 6 na sunud-sunod na taon ng XM sa Malaysia, nakapagpakita kami ng kahalagahan sa pagsasagawa ng mga libreng seminar at workshop tungkol sa forex, sa magkakaibang lungsod dito sa bansang nasa Timog-Silangang Asya, kabilang na ang mga eksklusibong kaganapan, gaya ng nalalapit na malaking seminar sa Kuala Lumpur sa Pebrero 16, 2019.

Natutuwa kaming imbitahan ang aming mga kasalukuyan at bagong kliyente sa malaking seminar na gaganapin sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur Hotel, kung saan magsasagawa ang mga kilalang tagapagturo sa forex na sina Zulle Razak at Mohd Helmi Izani ng pinagsamang presentasyon tungkol sa mga paksa gaya ng pamamaraan sa confluence at Avramis swing trading.

Idinisenyo para tugunan ang pangangailangan ng parehong baguhan at batikang mga trader, ang seminar ay maglalaman ng ilan sa mga pinakamahalagang paksa na kailangang malaman ng mga trader para maging mas bihasa sa pag-trade, at para sa patuloy na kahusayan sa pag-trade. Ang mga paksang ipipresenta nila Zulle Razak at Mohd Helmi Izani ay nababagay sa isa’t-isa at may layuning makapagbigay sa mga bisita ng kaugnay na detalye pagdating sa tamang paggamit ng tools sa technical analysis.

Magbibigay ng atensyon sa pagtulong sa mga trader na maintindihan ang mekanismo ng forex market at ang paggamit ng technical analysis, kabilang ang gabay sa kung paano magkaroon ng istratehiya at kumita mula sa pagbabagu-bago ng market. Ang interaktibong seminar at workshop ay makakapagpalawak din sa kaalaman ng mga trader gamit ang dagdag na pamamaraan sa pamamahala ng pera, para matulungan silang magkaroon ng praktikal na karanasan na magagamit nila sa pangmatagalan.

Sa pag-asang makikita namin ang marami sa mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM sa seminar, nasasabik na kaming makabalik sa Kuala Lumpur sa Pebrero 16.

Mag-click dito para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na malaking seminar at ireserba na agad ang iyong puwesto.