Malapit na: Seminar ng XM sa Bangkok Tungkol sa Candlestick Chart Trading

Ipinaskil Marso 13, 2019 ng 11:31 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Kasabay ng magkakaibang seminar ng XM na gagawin sa buong Thailand ngayong taon, natutuwa kaming imbitahan ang aming mga kasalukuyan at bagong kliyente sa isa na namang libreng pang-edukasyonal na seminar na gaganapin sa Bangkok ngayong Mayo 11.

Ang aming seminar na pinamagatang Pagpapakilala sa Candlestick Chart Trading at gaganapin sa The Athenee Hotel, a Luxury Collection Hotel, sa kapital ng Thailand, ay libre para sa mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM na gustong matuto ng mahalagang impormasyon tungkol sa paksang ito mula sa tagapagturo ng forex na si Feungtot Paitivetwanakit.

Ang presentasyon ay tatalakay sa serye ng mga mahahalagang detalye na may kinalaman sa candlestick chart patterns, na isang makapangyarihang kagamitan sa technical analysis para mapag-aralan ang galaw ng market at matukoy ang direksyon ng presyo para sa mas mainam na desisyon sa pag-trade.

Sa mismong seminar, ipapakita ni Feungtot Paitivetwanakit sa mga bisita ang mga bullish vs. bearish candlestick patterns. Ipapaliwanag din niya ang kahalagahan ng tamang pagbabasa ng candlestick charts, at ipapakita gamit ang mga praktikal na halimbawa kung paano ito bigyang-kahulugan para malaman ang mga partikular na galaw sa market.

Maliban sa edukasyon na maidudulot ng seminar, isa din itong magandang oportunidad para sa mga kinatawan ng aming kumpanya para makipag-ugnayang muli sa aming mga kliyente at salubungin sa personal ang mga baguhan pa lang sa XM. Kaya naman nasasabik na kaming makabalik ulit sa Bangkok.

Magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro na para makapunta sa aming seminar dito.