Nalalapit na mga XM Forex Trading Seminar sa China

Ipinaskil Mayo 25, 2017 ng 9:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sumunod ang mga serye ng forex trading seminars na isinagawa sa Silangang Asya ngayong taon, babalik na naman ang XM ngayong tag-init para mag-host ng dalawa pang seminars sa siyudad ng Shijiazhuang sa 15 July at Xi’an sa 22 July.

Sasalubungin ng forex instruktor na si Gabriel Yeh, kasama ng mga kinatawan ng XM, ang mga kliyente sa bawat siyudad para sa isang paksa na magbibigay ng mahahalagang detalye tungkol sa forex trading at paggamit ng technical analysis tools.

Ang pang-umaga at panghapong sesyon ng bawat event ay magbibigay ng sapat na oras sa mga dadalo para lubos na unawain ang impormasyon na ipe-presenta ni Gabriel Yeh. Buti na lang at interaktibo ang seminar, at magbibigay ito ng mga tunay na halimbawa para suportahan ang mga pagpapaliwanag, tulad ng case studies sa online investing. Ang mga karanasan na kanyang ibabahagi ay para tulungan ang mga traders na pabutihin ang kanilang pag-trade at ipakita sa kanila ang mga negatibong kasanayan na dapat iwasan para sa tamang risk management.

Mula sa mga pinaka-simpleng aspeto ng online trading hanggang sa mas kumplikadong ugnayan sa mga nagpapagalaw sa global markets, gagabayan ni Gabriel Yeh ang mga dadalo sa lahat ng mga mahalagang detalye, at tuturuan din niya ang mga ito ng kaalaman sa mga technical analysis tools, gaya ng paggamit ng Fibonacci.

Sa bawat siyudad, ang event ay magtatapos sa isang XM Lucky Draw, na magpapamigay ng pangkabuuang premyong paghahatian na 1500 USD sa 11 na maswerteng mananalo, na siyang ira-raffle sa event mismo.

Nais na naming makilala ang aming mga kliyente sa Shijiazhuang at Xi’an. Para sa karagdagang detalye tungkol sa dalawang events mangyaring mag-click dito.