Mga Seminar ng XM Nakarating na sa Bangkok at Chiang Mai

Ipinaskil Hulyo 2, 2018 ng 10:04 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang mga online investors na dedikadong pabutihin ang kanilang kaalaman sa pag-trade kasama ng XM ay nagkaroon na naman ng pagkakataong matuto mula sa mga pinakamagagaling. Ang pinakabagong forex trading seminar ng XM ay nakarating na sa Bangkok at Chiang Mai ngayong tag-init.

Ikinatutuwa naming makilala ang mga pumunta sa Bangkok noong June 16 at sa Chiang Mai noong June 30 para mabigyan sila ng libreng seminar tungkol sa mga pamamaraan sa forex trading.

Ang pang-edukasyonal na seminar sa Bangkok ay isinagawa sa pinagsamang presentasyon ng mga tagapagsalita na sina Sompop Jittrakul at Avramis Despotis, habang ang seminar na isinagawa sa Chiang Mai ay ipinresenta ni Sompop Jittrakul.

Sa bawat lokasyon, natuto ang mga pumunta sa seminar ng napakahalagang kaalaman tungkol sa mga pamamaraan sa swing trading, partikular na ang paggamit ng charts at indicators, kabilang na ang mga indicators na ginawa ng Tradepedia forex academy na idinisenyo para tulungan ang online traders na suriin nang mas tama ang lakas ng market trend, pati na pamahalaan ang risk nang mas mabuti.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa aming seminar sa bawat siyudad, at nais naming imbitahan lahat ng mga interesadong pabutihin ang kanilang kaalaman sa pag-trade sa tulong ng gabay ng mga ekspertong tagapagsalita, na pumunta sa aming mga seminar na gaganapin sa iba pang lungsod sa Thailand.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye at mag-reserba na ng puwesto para sa mga petsa at lokasyon na iyong napili.