Espesyal na XM Seminar sa Bangkok na may Tatlong Eksperto sa Forex

Ipinaskil Mayo 15, 2019 ng 11:58 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa mga nalalapit na buwan, ipagpapatuloy ng XM ang pang-edukasyonal na programa nito para matugunan ang pangangailangan ng mga nag-i-invest online na pursigidong mapabuti ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pag-trade, sa tulong ng propesyonal na gabay.

Ang aming susunod na seminar ay gaganapin sa The Athenee Hotel, a Luxury Collection Hotel sa Bangkok ngayong Hulyo 6. Magtatampok ito ng tatlong tagapagsalita na kilalang eksperto sa pananalapi, at tatalakayin ng bawat isa sa kanila ang mahahalagang paksa na may kinalaman sa pag-trade.

Kaya naman ang seminar ay magtataglay ng tatlong sesyon, na pamumunuan nila Kriengkrai Jermpatjanya, Sompop Jittrakul at Feungtot Paitivetwanakit. Layunin nilang turuan ang mga bisita sa paggamit ng mga technical indicator para masundan ang trend, mga pamamaraan sa pagpapababa ng risk, at mga diskarte para makapagsagawa ng indibidwal na estratehiya na epektibo sa pangmatagalan.

Bukod sa pagbibigay ng XM ng oportunidad na libreng makapunta sa seminar at matuto ng mahahalagang impormasyon, nasasabik na din ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makilala sa personal ang mga bisita.

Magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na seminar at kilalanin kami sa Bangkok sa Hulyo 6.