Matagumpay na Natapos ang XM Forex Seminar sa Kota Bharu

Ipinaskil Oktubre 5, 2018 ng 7:05 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming magkaroon na naman ng panibagong oportunidad na makilala ang mga online investors sa Kota Bharu, sa Malaysia, noong September 29, kung saan nagsagawa ang XM ng forex trading seminar tungkol sa mga pamamaraan sa pag-trade.

Ang aming mga kasalukuyan at bagong kliyente na pumunta sa seminar ay may layuning palawakin ang kanilang kasanayan sa pag-trade sa pamamagitan ng pag-aaral. Kaya naman nakatanggap sila ng mga mapapakinabangang gabay mula sa propesyonal na guro na si Zulle Razak tungkol sa mga mahahalagang aspeto sa forex trading.

Sa kanyang detalyadong presentasyon, binigyang-diin ni Zulle Razak ang kahalagahan ng pagsasama ng magkakaibang pamamaraan sa iisang kumpletong istratehiya. Higit pa dito, ang mga bisita ay nakatanggap ng praktikal na pagpapaliwanag sa kung paano paghahaluin ang magkakaibang indicators kapag nagbabasa ng charts upang malaman ang posibleng entry at exit points.

Dahil ang seminar ay base sa praktikal na aspeto ng pag-trade, natupad ng paksang ipinaliwanag ni Zulle Razak ang pangunahing layunin nito: ang matulungan ang forex traders na magkaroon ng malalim na pagkakaintindi sa mga mahahalagang pamamaraan sa online investing.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa XM seminar sa Kota Bharu, at natutuwa kaming ianunsyo na ang aming mga seminar ay magpapatuloy sa Malaysia sa mga susunod na buwan.

Para magbasa pa tungkol sa aming mga libreng seminar na gaganapin sa Kuching at Kuantan, at para makapag-reserba na ng puwesto sa lugar at petsa na iyong napili, mangyaring mag-click dito.