Nalalapit sa Thailand: Forex Trading Seminar sa Bangkok at Chiang Mai

Ipinaskil Abril 24, 2018 ng 9:47 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Kahit na nagsimula na ang serye ng mga XM seminar sa Thailand nitong mga nakaraang buwan tungkol sa mga teknik sa pag-trade ng CFDs, may iba pang mga seminar na gaganapin tungkol sa forex trading simula June.

Ikinagagalak naming ianunsyo ang bagong serye ng mga forex trading seminar na gaganapin sa Bangkok sa June 16 at sa Chiang Mai sa June 30. Para sa lahat ng mga handa nang matuto mula sa mga pinakamagagaling, ang seminar na pinamagatang Ang Avramis Trend Reversals at Breakouts ay maraming maidudulot na mahalagang impormasyon.

Ang mga kasalukuyan at bagong kliyente na dadalo sa aming event sa Bangkok ay magkakaroon ng oportunidad na pumunta sa pinagsamang presentasyon ng mga forex instruktor na sina Sompop Jittrakul at Avramis Despotis, habang lahat ng mga pupunta sa seminar sa Chiang Mai ay marami ring matututunan mula kay Sompop Jittrakul.

Sa bawat event, ipapaliwanag nang husto ang mga technical indicators na ginagamit sa swing trading, na may espesyal na pagtuon sa mga proprietary tools na ginawa ng Tradepedia gaya ng Avramis Swing Indicator at ng Avramis Risk Management Indicator, na magagamit nang husto para sa pagtukoy ng trend strength at pag-allocate ng risk.

Ang pang-umaga at panghapong sesyon ng seminar ay idinisenyo para ipaliwanag ang teorya sa likod ng kahalagahan ng trend reversals at breakouts, ipakita ang mga ito gamit ang mga tunay na halimbawa at pati na sa iba’t-ibang trading set-ups.

Nais na naming makilala ang mga online investors sa seminar na gaganapin sa Bangkok at Chiang Mai.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye at para mag-reserba na ng puwesto sa siyudad at petsa na iyong napili.