Gaganaping mga Forex Seminar sa Egypt Tungkol sa Technical Indicators

Ipinaskil Marso 7, 2019 ng 1:19 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming imbitahan ang aming mga kasalukuyan at bagong kliyente sa mga nalalapit na pang-edukasyonal na seminar na gaganapin sa Egypt ngayong Abril, na libre para sa lahat ng mga nag-i-invest na gustong matuto sa kung paano gumamit ng mga technical indicator kapag nagti-trade online.

Ito ay gaganapin sa dalawang magkaibang lungsod at magkakaroon ng dalawang paksa na mahalagang matutunan kapag nagti-trade. Ang aming seminar ay isasagawa sa Cairo at Alexandria, at pamumunuan ng kilalang tagapagturo na si Habib Akiki, ang Senior Market Strategist ng Tradepedia, na siyang magpapakita sa kung paano magagamit nang mas tama ang mga technical indicator sa online na pag-trade ng forex.

Ang seminar na pinamagatang Pag-trade Gamit ang Avramis River at Reversal Candles, na gaganapin sa Cairo sa Abril 20, ay tutuon sa kung paano suriin ang lakas at kalidad ng trend, tukuyin ang lebel ng support-resistance, at alamin ang mga signal ng trend na may mataas na kalidad upang makapag-desisyon sa pagpasok o paglabas sa market. Ilang araw pagkatapos nito, ang susunod na seminar ay gaganapin naman sa Alexandria sa Abril 22, na pinamagatang Paano Mag-trade Gamit ang Ichimoku Kinko Hyo, kung saan ituturo ni Habib Akiki ang iba’t-ibang pamamaraan para magamit itong makapangyarihang Japanese indicator kapag nagti-trade ng mga currency o iba pang pinansyal na instrument.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya, kasabay ng tagapagturo ng seminar na si Habib Akiki, na salubungin lahat ng mga kliyente ng XM sa Cairo at Alexandria.

Mangyaring mag-click dito para sa karagdagang detalye tungkol sa bawat seminar at para makapag-reserba na kaagad ng puwesto.