Mga Forex Seminar ng XM Magpapatuloy sa Buong Malaysia

Ipinaskil Abril 24, 2019 ng 9:24 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Pagkatapos mabisita ang iba’t-ibang lungsod sa buong Malaysia mula nitong unang parte ng 2019, ipagpapatuloy ng XM ang mga seminar nito sa iba pang mga lokasyon para makapagbigay ng propesyonal na edukasyon sa mga indibidwal na nag-i-invest at interesado sa pagti-trade ng forex.

Natutuwa kaming imbitahan lahat ng mga pursigidong makaranas ng mataas na lebel ng edukasyon sa forex, sa mga nalalapit naming seminar sa Terengganu at Melaka, na parehong gaganapin ngayong Hulyo.

Para matugunan ang pangangailangan ng mga gustong mapalapit dito, ang mga gaganapin na seminar ay unang apat pa lamang sa maraming susunod pa, na ipagpapatuloy sa ibang mga lungsod sa mga nalalapit na buwan. Higit pa, libre ang pagpunta para sa lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM.

Ang seminar na pinamagatang Ang Istratehiya na Avramis Swing Trading ay pamumunuan ng tagapagturo sa forex na si Mohd Helmi Izani sa Terengganu, habang tatalakayin naman ng propesyonal na tagapagturo na si Zulle Razak sa Melaka ang paksang Mga Pamamaraan sa Confluence sa Forex Trading. Ang bawat syllabus ng seminar ay sasakop sa magkakaibang pamamaraan sa pag-i-invest online na mapapakinabangan sa pag-trade ng forex o iba pang pinansyal na instrument. Ito ay lubhang makakatulong sa mga indibidwal na hindi pa masyadong pamilyar sa mga kasanayan sa pag-i-invest online na gustong magkaroon ng sariling mapagkakakitaang istratehiya sa pag-trade at matuto tungkol sa pamamahala ng risk.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga paksa ng aming seminar, at para makapag-rehistro na sa seminar na pinakalamapit sa iyo at sa petsang iyong napili, mangyaring mag-click dito.