Sisimulan na sa Malaysia ang mga 2019 Seminar ng XM sa Pag-trade ng Forex

Ipinaskil Enero 16, 2019 ng 1:29 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa Pebrero 2019, magsasagawa ang XM ng iba pang mga seminar sa buong Malaysia para makapagbigay ng libreng edukasyon tungkol sa pag-trade ng forex, sa mga baguhan at bihasang nagti-trade online na pursigidong matuto mula sa mga pinakamagagaling at pabutihin ang kanilang kaalaman sa pag-trade para sa mas mahusay na resulta.

Ang unang tatlong destinasyon ng seminar ay ang Penang, Melaka at Kedah, na susundan ng iba pang mga lungsod. Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makilala ang mga bago at kasalukuyang kliyente na pupunta.

Sa bawat lokasyon, tatalakayin ng propesyonal na tagapagturo na si Mohd Helmi Izani ang paksang pinamagatang Ang Istratehiya ng Avramis Swing Trading. Ibabahagi niya ang mahahalagang kaalaman tungkol sa mga tool sa technical analysis na ginagamit para hulaan ang presyo sa swing trading at malaman kung paano itini-trade ang forex o iba pang pinansyal na instrument sa magkakaibang kundisyon sa market.

Lahat ng detalyeng tatalakayin ay ipapakita din ni Mohd Helmi Izani gamit ang mga tunay na halimbawa, para maturuan ang mga bisita kung saan maglalagay ng order sa pagpasok sa market, maglagay ng take-profit at stop-loss orders, matukoy at mag-trade sa lebel ng support at resistance, at higit sa lahat, ang mga pamamaraan na magagamit para sa patuloy na pamamahala ng risk.

Para magbasa pa tungkol sa libreng seminar at makapag-rehistro na sa lungsod at petsa na nababagay sa iyo, mangyaring mag-click dito.