Pupunta ang XM Seminar sa Tatlo pang Lokasyon sa Thailand

Ipinaskil Hulyo 18, 2018 ng 10:43 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang serye ng mga forex trading seminar na nagsimula sa Thailand ngayong tag-init ay makakarating sa tatlo pang destinasyon ngayong September: sa Khon Kaen, Ubon Ratchathani at Chiang Rai.

Ang mga baguhan at batikang online investors na hindi nakapunta sa alinmang seminar ng XM na isinagawa sa Thailand ay maaaring pumunta sa nalalapit na seminar sa Khon Kaen sa September 1, sa Ubon Ratchathani sa September 15, o sa Chiang Rai sa September 29.

Ang seminar na pinamagatang Ang Avramis Trend Reversals at Breakouts ay ipi-presenta ng Thai forex instruktor na si Sompop Jittrakul, na may layuning makapagbigay sa mga dadalo ng masinsinang paggabay sa kung paano gamitin ang mga technical analysis tools sa forex trading.

Lahat ng mga pupunta sa alinman sa tatlong lokasyon ay magkakaroon ng oportunidad na makatanggap ng pagpapaliwanag tungkol sa konsepto ng trend reversals at breakaouts, pati na kung paano gamitin ang mga technical analysis tools para tukuyin ang trend ng alinmang financial instrument sa magkakaibang time frame.

Higit pa dito, ipapakilala din ni Sompop Jittrakul ang dalawang technical analysis tools para matulungan ang mga dadalo na tukuyin ang trend strength at alamin ang risk nang mas tiyak: ang Avramis Swing Indicator at ang Avramis Risk Management Indicator.

Mag-rehistro na at pahusayin pa ang iyong kaalaman sa pag-trade kasama ng XM sa Thailand.