Nalalapit sa Cairo: Seminar sa Istratehiya sa Candlestick Chart Trading

Ipinaskil Agosto 8, 2018 ng 1:52 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa October 20, bibisita ulit ang XM sa Cairo, Egypt, para sa panibagong forex trading seminar tampok ang isa sa mga interesanteng paksa para sa online investors na nais matuto ng praktikal na kaalaman: ang candlestick chart trading.

Sasamahan ng mga kinatawan ng XM ang tagapagsalita na si Habib Akiki, ang Senior Market Strategist ng Tradepedia LLC, para salubungin ang mga bisita sa Ramses Hilton Hotel sa Cairo, kung saan ipapaliwanag niya ang mga mahalagang detalye tungkol sa praktikal na paggamit ng candlestick charts, na itinuturing bilang isa sa mga pinaka-makapangyarihang technical analysis tools para sa online investors ngayon.

Ang seminar na pinamagatang Ang Avramis River at Reversal Patterns ay maraming maidudulot para sa mga online traders na dadalo sa seminar. Matapos magbigay ng malinaw na paliwanag tungkol sa global markets, ipapakita ni Habib Akiki ang mekanismo ng candlestick patterns at ang paggamit ng iba’t-ibang mahuhusay na indicators na makakatulong sa online investors para tukuyin ang lakas ng market (kabilang na ang trending at ranging markets), malaman ang support-resistance levels, at bigyang-kahulugan ang signals para sa mga trend na may mataas na kalidad.

Kabilang sa mga itatampok sa seminar ay ang mga proprietary technical analysis tools ng Tradepedia, gaya ng Avramis River Indicator, na may layuning sukatin ang paggalaw ng market at tulungan ang traders na matukoy ang range patterns at mga malalakas mag-trend na financial instruments.

Para sa detalyadong paglalarawan sa seminar at para sa maagang rehistrasyon sa nalalapit na event, mangyaring mag-click dito.