XM sa Uganda: Anim na Taong Kawanggawa

Ipinaskil Hunyo 6, 2022 ng 6:59 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong 2017, inumpisahan ng XM ang una nitong proyekto para tulungan ang mga batang nangangailangan sa Uganda. Sinundan ito ng iba pang pagkilos na dedikado sa paghubog ng mas maliwanag na hinaharap para sa mga kapus-palad.

Kamakailan, sinalubong namin sa punong-tanggapan ng XM sa Cyprus si Fr. Antonios Mutyaba, isang kahanga-hangang pari mula sa distrito ng Wakiso sa Uganda. Ipinagdiwang namin ang aming matagumpay na pakikipagtulungan at sinumulang planuhin ang mga susunod na kawanggawa. Ang una naming pakikipag-ugnayan kay Fr. Antonios noong 2017 ay nadagdagan ng marami pang iba, kung saan pinalawak namin ang ayuda sa dumaraming bata sa Uganda upang mabigyan sila ng patas na oportunidad.

Nitong mga nakaraang taon, pinatibay ng XM ang pakikiisa kay Fr. Antonios, na mag-isang nagpapatakbo ng bahay-ampunan sa distrito ng Wakiso upang pakainin, pag-aralin, at palakihin ang mahigit 400 bata. Mula noon, nakapag-ambag na ang XM sa pagpapatayo at pagpapaganda ng kanilang paaralan. Bukod dito, nakalikom at nakapagbigay na din ito ng pera sa lokal na bahay-ampunan sa Wakiso, at nakipagsanib-puwersa sa organisasyon na Loving Hands upang suportahan ang mga eskwelahan at edukasyon ng mga kabataan sa Uganda.

Kami sa XM ay naniniwala sa pagbuo ng mas maliwanag na mundo para sa mga susunod na henerasyon. Posible lamang itong makamit dahil sa mga taong tulad ni Fr. Antonios, na nakatuon sa habang buhay na pagtulong sa kapwa.