Isa ang XM sa 10 Pinakasikat na Broker ng 2022

Ipinaskil Abril 11, 2023 ng 9:06 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nasasabik kaming ibalita na napanalunan ng XM ang parangal na Isa sa 10 Pinakasikat na Broker noong 2022 mula sa FOLLOWME, ang kumpanyang nasa likod ng isa sa mga nangungunang komunidad sa pag-trade.

Ang FOLLOWME ay isang kumpanya sa fintech na itinatag noong 2015. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa traders mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na makisalamuha, ipamalita ang mga karanasan at ideya, at magbahagi ng mga diskarte sa pag-trade.

Natutuwa kami sa pagkilala ng FOLLOWME bilang isa sa mga nangungunang broker sa industriya. Kinikilala nitong parangal ang husay sa customer service, kundisyon sa pag-trade, at pangkalahatang kasiyahan ng kliyente. Sa XM, walang-kupas ang aming dedikasyon na bigyan ang mga kliyente ng pinakamagandang kundisyon sa pag-trade, napakagaling na customer service, at malawak na hanay ng makabagong trading tools at platforms.

Ang parangal na ito ay patunay ng pagsisikap at dedikasyon na ibinibigay namin sa mga kliyente. Tanda rin ito ng aming presensya sa komunidad ng pag-trade at patuloy na pagsuporta sa mga trader sa buong mundo.

Binibigyang-diin namin ang pagiging transparent at patas, at pinapatunayan namin ang pagiging malaki, patas, at totoo. Layunin naming bigyan ang mga trader ng tamang kundisyon para tulungan silang umunlad at magtagumpay. Dahil dito, patuloy mo kaming makikita sa mga rehiyon kung saan kami nagbibigay-serbisyo sa mga kliyente.

Sa ngalan ng lahat mula sa XM, nagpapasalamat kami sa pagkilalang ibinigay ng FOLLOWME. Patuloy naming pabubutihin ang pamantayan sa industriya at bibigyan ang mga kliyente ng world-class na karanasan sa pag-trade.